-- Advertisements --
DUTERTE BONG GO 1

DAVAO CITY – Pinag-iispan pa rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang posibilidad na alisin ang Davao City sa mga lugar sa Mindanao kung saan ipapatupad ang martial law.

Ito ang kinumpirma ni Sen. Bong Go matapos hilingin ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at ng konseho na alisin na ang siyudad sa mga nasa ilalim ng batas militar.

Ayon sa senador, nababahala ang Presidente sa posibilidad na magkaroon ng “spillover” kapag inalis ang mahigpit na seguridad ng militar sa lugar.

Aminado si Go na kakailanganin pa rin ni Duterte ang rekomendasyon ng Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines bago magbaba ng desisyon.

Sinabi rin nito na tila tuloy pa rin ang terorismo sa rehiyon dahil sa mga naitalang kaso kamakailan ng bakbakan sa Jolo.

Ayon sa dating Special Assistant to the President, nakakaapekto rin ang geographical location ng Mindanao bilang point of entry and exit sa timog na bahagi ng bansa.