Ipinagmalaki na inulat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isinasapinal na ngayon ang Maritime Industry Development Program o MIDP 2028.
Ayon kay Pang. Marcos malapit nang makumpleto ang MIDP na isang mahalagang hakbang tungo sa pagtiyak ng kaligtasan at kabutihan ng mga Filipino seafarer.
Nabatid na ang kumprehensibong plano na ito ay maingat na idinisenyo upang bigyang prayoridad ang mga pangangailangan ng komunidad ng mga seafarer at palakasin ang kanilang posisyon sa global stage.
Layunin din ng MIDP 2028 na alamin at tugunan ang iba’t ibang aspeto ng industriya ng pagmamarino na pangunahing nakatuon sa kagalingan ng mga Filipino seafarer.
Ang inisyatibong ito ay nagbibigay-diin din sa pangako ng gobyerno ng Pilipinas na pangalagaan ang mga karapatan ng mga marino at mapabuti ang working conditions sa maritime sector.