-- Advertisements --

Masaya at proud na ibinahagi nina Philippine boxing team members Carlo Paalam, Eumir Marcial, at Nesthy Petecio ang kanilang nasungkit na medalya sa 2020 Tokyo Olympics.

Ngayong gabi ng Sabado, ibinahagi ni Marcial sa kanyang Instagram account ang litrato nilang tatlo hawak-hawak ang kanilang medalya.

Sa caption nito, sinabi ng bronze medalist na “See you soon, Philippines!”

Magugunita na uuwi sa Pilipinas sina Petecio at Paalam bitbit ang kanilang silver medals.

Samantala, nag-post din ng litrato si Petecio, kasama naman ang kapwa boxing Olympian na si Irish Magno, na bigong makakuha ng anumang medalya sa kabila ng matinding effort laban sa Thai opponent nito.

Philippine boxing team at the Olympics