-- Advertisements --
Tinataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na papalo sa 3.7 percent ang inflation rate ng Pilipinas para sa katatapos lang na buwan ng Marso.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, bibilis ito bunsod ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa Russia-Ukraine war.
Maging ang kuryente at karne ay nagmahal din kasunod ng mas mahinang palitan ng piso kontra dolyar.
Bagamat wala pang indikasyon ito ng pagtaas sa policy rates ay sinabi ni Diokno na patuloy na babantayan ng BSP ang pagbabago sa halaga ng pangunahing bilihin at ang posibleng epekto nito sa “cost of living.”
Matatandaang sinabi ng BSP na nakabase ang kanilang inflation projection sa pagitan ng dalawa hanggang apat na porsyento.