-- Advertisements --

Maraming katao ang pinaniniwalaang binaril sa isang subway sa Brooklyn, New York.

Sa inisyal na ulat ng mga kapulisan, hindi umano bababa sa 13 katao ang sugatan kung saan hinahanap nila ang isang lalaki na nakasuot ng gas mask at nakaorange na vest.

Naganap ang insidente sa 36th Street subway station kung saan mayroon umanong usok pa ang nakita sa nasabing station.

Kinordonan na ng mga kapulisan ang nasabing lugar habang patuloy ang ginagawa nilang imbestigatsyon.