Maraming mga protesters umano sa Hong Kong ang hindi sang-ayon sa huling pagbasura ng kanilang leader na si Carrie Lam sa kontrobersyal na extradition bill.
Ayon sa ilang mga nagsagawa ng kilos protesta, masyadong atrasado na ang ginawang hakbang na ito ni Lam.
Dapat aniya ay mula sa umpisa pa ay ginawa na nito para hindi na lumala ang isinagawang mga demonstrasyon na umaabot na sa 13 linggo.
Maging ang mga negosyante ay nasayangan sa desisyon dahil labis na naapektuhan ang kanilang negosyo sa kabi-kabilang kilos protesta.
Magugunitang ibinasura na ni Lam ang nasabing panukalang batas para bumalik na sa normal ang nasabing kapayapaan sa bansa.
Ilang katao na rin ang naaresto sa halos lingguhang protesta sa malaking bahagi ng Hong Kong at maging ang kanilang mga paliparan.
Noong Hunyo ay inalmahan ng mga HongKongers ang nasabing panukalang batas na naglalayong sa China litisin ang mga kaso doon sa kanilang bansa.