-- Advertisements --
Maraming mga Filipino pa rin ang naniniwalang mas masagana ang kapaskuhan ngayong taon kumpara noong nakaraang taon.
Base sa survey ng Pulse Asia Research Inc., mayroong 48 percent ang bilang na naniniwala silang mas masagana ang Pasko nila.
Isinagawa ang survey mula December 3 hanggang 8.
Binubuo ito ng 1,200 respondents na may edad 18 pataas mula Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.
Lumabas din na 41% sa mga respondent ang nagsabi na walang kahalintulad ang Pasko nila kumpara noong nakaraang taon.
Habang nasa 11% naman ang nagsabing hirap sila ngayon sa pagdiriwang nila ng pasko.
Nasa survey din na siyam sa 10 mga Filipino ang nagsabing may malaking pag-asa silang kakaharapin sa 2020.