-- Advertisements --
Nasa 30 mga bansa ang patuloy na nakikipag-usap sa Egypt para mapabilis ang paglabas ng kanilang mamamayan na nasa Gaza.
Kasunod ito sa pagbukas ng Rafah crossing para makatawid ang mga sibilyan at dayuhan na naiipit sa labanan ng Israel at mga Hamas militants.
Ayon sa mga opisyal ng Britanya na patuloy ang pakikipag-usap nila sa mga opisyal ng Egypt para mabigyan ng prioridad ang kaniyang mamamayan na makatawid.
Magugunitang tanging ang mga mayroong pasaporte ang papayagang makalabas sa Rafah crossing kung saan mahigit 500 na mga dayuhan ang nauna ng nakatawid.