Patuloy ang pagpapaabot ng tulong ng ibang mga bansa sa Israel.
Personal na tinawagan ni US President Joe Biden si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu at sinabing paparating na ang aniya ang tulong sa Israel.
Nais naman ni Turkish President Recep Tayyip Erdogan na mamamagitan para matigil na ang karahasan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Hinikayat nito ang lider ng dalawang bansa na tumugon sa panawagan ng kapayapaan.
Magsasagawa naman ng closed door emergency meeting ang United Nations Security Council para pag-usapan ang nagaganap na kaguluhan.
Ilang mga European leader ang nagpahayag ng suporta sa Israel na pinangunahan nina German Chancellor Olaf Scholz, Ukrainian President Volodymyr Zelensky, Italian Prime Minister Giorgia Meloni at British Prime Minister Rishi Sunak.
Mula noong Sabado ay nasa mahigit 600 katao na ang nasawi sa Israel mulang ilunsad ng Hamas ang kanilang sorpresang atake.
Ayon kay Israeli Minister of Strategic Affairs Ron Dermer na maaring madagdagan pa ang bilang lalo na at nasa 2,000 katao ang sugatan.
Pagtitiyak din nito na gumagawa ng paraan ang kanilang gobyerno para mailigtas ang mga dinukot ng mga Hamas militants.