-- Advertisements --
Maraming bahagi pa rin sa Hong Kong at sa southern China ang lubog pa rin sa tubig baha matapos ang pananalasa ng malakas na pag-ulan.
Sa loob kasi ng 140 taon ay ngayon lamang nakaranas ang Hong Kong ng matinding pag-ulan.
Ayon sa mga emergency service na mayroong mahigit 100 katao ang dinala sa mga pagamutan.
Maraming mga sasakyan ang tinangay ng rumaragasang baha kung saan maraming residente ang kanilang pinalikas na.
Nakaranas naman ng ilang landslide sa mga bulubunduking bahagi ng Hong Kong dahil na rin sa walang humpay na pag-ulan.
Ayon sa Hong Kong Observatory na nitong Huwebes pa ay naglabas na sila ng black warning dahil sa matinding pagbuhos ng ulan.