-- Advertisements --

Tinamaan ng drone ng Russia ang mga pangunahin at kritikal infrastructure ng Kyiv sa Ukraine.

Ayon sa Ukraine military na hindi bababa sa 20 mga unmanned aerial vehicles ang nag-target ng kanilang pasilidad.

Napabagsak ng mga Ukraine ang 15 mga drones na ito ng Russia.

Sinabi ni Kyiv Governor Oleksiy Kuleba na nagdulot ng kawalan ng suplay ng kuryente ang pinakahuling drone attack ng Russia.

Maraming mga gusali ang nasira dahil sa nasabing atake kung saan nasugatan ang dalawang katao.