-- Advertisements --
Nagdulot ng makapal na yelo at kawalan ng suplay ng kuryente ang pag-ulan ng makapal na yelo sa US East Coast.
Nagdeklara na ng emergency ang limang estado bago pa lang dumating ang nasabing snow storm.
Sa ilang bahagi ng Massachussets ay umabot ng hanggang 2.5 pulgada ang kapal ng yelo.
Ang bagyo na kilala bilang Nor’easter ay tumama rin sa bahagi ng New York at Massachussets na may matinding pag-ulan ng yelo at pagbaha.
Kinumpirma na rin ng National Weather Service (NWS) na ang naging bombogenesis na ang bagyo na ang ibig sabihin ay humalo na ang mas malamig na hangin sa mas mainit na hangin mula sa dagat na nagresulta sa pagbagsak ng atmospheric pressure.
Isa umano rin itong proseso na patungo sa tinatawag na bomb cyclone.