ssw
-- Advertisements --

Marami pa rin mga Filipino ang naniniwala na walang magiging pagbabago ang kanilang pamumuhay sa susunod na taon.

Ayon sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS) lumabas na 45% sa mga respondent ang nagsabing mananatili pa rin sa dati ang kanilang pamumuhay sa susunod na taon.

Mayroon namang 33% ang nagsabing gaganda ang kanilang buhay.

Isinagawa ang survey noong Setyembre 12 hanggang 16 sa pamamagitang in-person interviews sa 1,200 respondents na pantay ang bilang sa Metro Manila, Luzon, Visayas at Mindanao.