Pinaghahandaa ng mga bansa sa Europa ang heatwave na kanilang nararanasan dahil sa record-breaking na temperatura.
Ayon sa mga meteorologist na ito na ang naranasang pinakamainit na temperatura ang naranasan mula pa 1880.
Ang mga lubhang nakaranas ng matinding init na temperatura ay ang Netherlands, Denmark, Germany at Austria.
Maroong naitalang 42.6C ang naramdamang init sa Germany habang 40.7C sa Netherlands at 40.6C sa Belgium.
Nagpakalat na ng babala ang mga otoridad sa nasabing mga bansa ukol sa negatibong epekto ng matinding init ng panahon.
Napilitan na ring ipasara pansamantala ang mga nuclear reactors sa ilang bansa dahil na rin sa mainit na temperatura.
Itinuturo naman ng United Kingdom national weather service ang climate change kaya naranasan ang matinding init ng panahon.
May kaniya-kanyang paraan naman ang ilang residente ng nabanggit na mga bansa para maibsan ang init ng panahon gaya ng paliligo sa mga ilog at karagatan.