-- Advertisements --

Hindi sang-ayon ang Department of Foreign Affairs sa naging hakbang ng North Korea kung saan ay nagsagawa ito ng missile launch.

Giit ng ahensya, ang hakbang na ito ng Democratic People’s Republic of Korea ay banta sa seguridad at peace at stability sa Korean Peninsula.

Maaari rin itong maka apekto sa paglago ng ekonomiya ng South Korea.

Bukod aniya sa DFA, ang nagpahayag na rin ng pagkabahala ang mga bansa na kabilang sa Indo Pacific Region.

Kaugnay nito ay muling nanawagan ang DFA sa North Korea na maging mahinahon .

Mas mainam rin aniya na huwag nang gumawa ng ganitong mga aktibidad at sa halip ay manguna na lamang sa pagsusulong ng kapayapaan sa Indo Pacific Region.