-- Advertisements --

Inihayag maging ng nasa lokal na pamahalaan na ang isyu sa pulitika ay dapat isantabi muna kasabay ng mga kaganapan sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso o ang Senado.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nararapat lamang na ituon ang atensyon lalo na ng mga lider ng bansa sa tunay at seryosong mga problemang kinakaharap ng Pilipinas.

Kasunod ang pahayag nang magpasalamat kay Sen. Bam Aquino sa pagtityak ng higit isang-trilyong pisong pondo alokasyon para sa edukasyon sa 2026 national budget.

Ito’y sa kabila ng mga bangayan sa pulitika kung saan ikinatuwa ng alkalde ang 600-bagong silid-aralan sa siyudad napondohan gamit ang pambansang budget.

Layon sa naturang pondo na isinulong katuwang ang senador na magkaroon ng alokasyon sa pagpapatayo ng 25-libong sillid-aralan sa bansa.

Ang naturang daming bilang ay kabahagi sa nais na makatulong na tugunan ang kakulangan ng classroom sa Pilipinas na aabot sa 166-libo.

Kung kaya’t umaasa si Mayor Isko Moreno mabibigyan prayoridad ang pagresolba sa kahirapan danas ng mamamayan at maibalik ang tiwala sa mga lider na dapat naglilingkod para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

“For so many times, nanonood naman ako ng live hearing ng Senado. Tingin ko iyon ang tingin ng taumbayan, iyong ibalik ang tiwala ng tao sa kanyang halal ng bayan ng paglilingkod, immaterial of colors. Diyan po unti-unti siguro darating ang oras liliwanag din ang kaisipan, damdamin at pananaw, lalawak din at sana iyan ang ma-achieve natin pagdating ng araw,” ani Manila Mayor Isko Moreno.