Ipinagtanggol ni Manhattan district attorney Alvin Bragg na dumaan sa malalimang imbestigasyon ang kaso laban kay dating US President Donald Trump.
Sinabi nito na napatunayan nila na maka-ilang beses ng hindi nagsabi ng katotohanan ang dating pangulo ng US.
Isa na dito ang pagbabayad niya ng $130,000 sa adult film star na si Stormy Daniels na idinaan sa abogado nitong si Michael Cohen.
Bukod pa kay Daniels ay may ibang tao rin siyang binayaran para manahimik at hindi masira ang kaniyang kandidatura noong 2016 elections.
Nauna ng sinabi ni Trump na isang political persecution ng mga kalaban nito sa pulitika ang paglitaw ng nasabing kaso.
Magugunitang naghain ng not guilty plea si Trump sa 34 counts ng falsification of business records na siyang gumawa ng kasaysayan sa US na unang dating US Presiden na nahaharap sa criminal trials.