-- Advertisements --
Inamin ng Department of Labor and Employment (DOLE) na patuloy na nadaragdagan ang mga manggagawang apektado ng COVID-19.
Maliban kasi sa pagkakasakit, ang karamihang trabahador ay nawalan ng kabuhayan dahil sa enhanced community lockdown.
Lumalabas sa record na nasa mahigit 1,000,000 na ang mga naapektuhang obrero sa buong bansa.
Pero karamihan sa mga ito ay nanggaling sa Metro Manila, habang pangalawa ang Central Luzon.