Nangako si Senate President Tito Sotto na ihahabol nila para maaprubahan ang iba pang pending bills ngayong araw.
Kabilang na rito ang Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) Bill, Public Service Act, at Foreign Investment Act.
Ayon kay Sotto, malaki ang tiyansang maaprubahan ang bills na sinertipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang “urgent measure” lalo na ang dati nang nakapasa sa Kamara tulad ng ROTC revival.
Maging ang local bills na hinihintay sa mga lalawigan ay inaasahang maisasama sa kanilang agenda.
Kahapon ay 71 ang naipasang panukala kasama na ang pagdaragdag ng hospital beds, pag-convert ng ilang paaralan bilang unibersidad at iba pa.
“Pipilitin namin pigain nitong araw na ito yung ROTC bill at saka yung Public Service Act, and yung Foreign Investments Act. All the rest puro third reading ng mga local bills, at saka third reading ng mga bills namin katulad ng mga additional hospital beds, maraming local bills, kahapon 71 yung pinasa namin,” wika ni Sotto.