Naglagay na rin ang lungsod ng Mandaluyong ng help desk para sa mga Overseas Filipino workers (OFW) na kukuha ng kanilang vaccination certificate.

Inilagay ang nasabing help desk sa kanilang city hall kung saan dito ay bibigyan nila ng tulong ang mga OFW na mabilis na makakuha ng vaccination certificate.

Magiging prayoridad aniya nila ang mga OFW na mula sa kanilang lungsod.

Magugunitang may ilang mga bansa ang hindi kinikilala ang vaccination card mula sa iba’t ibang LGUs sa bansa.