Massie
-- Advertisements --

Binabatikos ngayon ang isang mambabatas sa US dahi sa pagpost nito ng larawan kasama ang buong pamily na may hawak na mga mataaas na uri ng kalibre ng baril.

Sa kaniyang social media kasi ay nagpost ng larawan si Kentucky Republican Representative Thomas Massie kasama ang asawa at mga anak na may hawak na mga high-powered firearms.

May caption pa ito na tila humihingi sila ng bala kay Santa Clause.

Ang nasabing larawan ay kinondina ng mga biktima ng pamamaril.

Marami sa mga kritiko ang nagsabi tila walang pakialam ang mambabatas lalo na sa mga biktima ng pamamaril sa Oxford University sa Michigan.

-- Advertisement --

Hindi naman nagbigay pa ng anumang reaksyon dito ang nasabing mambabatas.