-- Advertisements --
Naitala ng Malaysia ang kauna-unahang kaso ng Omicron COVID-19 variant.
Naka-quarantine na ang isang dayuhan na estudyante matapos ang pagdating nito mula sa South Africa.
Ayon sa health office ng Malaysia na dumating sa bansa ang estudyante noong dalawang linggo na ang nakakalipas at ng masagawa sila ng re-testing ay doon na lumabas ang pagpositibo nito sa Omicron variant.
Bagamat asymptomatic ang 19-anyos na babae at ito ay bakunado ay nagpositibo sa COVID-19 pagdating sa Malaysia na dumaan pa sa Singapore at pinakawalan din matapos ang 10 araw.
Nag-negatibo naman sa COVID-19 ang lima pang pasahero na kaniyang nakasama sa sasakyan.