Iginiiit ni Senator Robinhood Padilla na hindi siya papayag na arestuhin ng International Criminal Court (ICC) ang kapwa senador na si Senator Ronald “Bato” dela Rosa.
Ang pahayag ni Padilla ang kasunod ng mga ulat na nag-isyu na umano ng arrest warrant ang ICC para kay dela Rosa kaugnay umano’y pagsasangkot sa extrajudicial killings sa war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Padilla, kung ang tumutugis aniya sa kapwa senador ay ang mga awtoridad ng Pilipinas, siya pa umano ang mismong magtuturo ng kinaroonan ni dela Rosa. Ngunit hangga’t dayuhan aniya ay hindi niya ito gagawin sapagka’t para narin umano siyang nagtaksil sa bayan.
Samantala, nilinaw naman ng ICC na wala pa itong inilalabas na public arrest warrant para kay dela Rosa o maging sinumang personalidad sa Pilipinas.
Sa kabilang nito, mariin paring pinayuhan ni Padilla ang kaalyadong senador na huwag basta lilitaw at magpakita sa publiko.
Huling nagpakita sa publiko at pumasok si dela Rosa sa Senado noong Nobyembre ng nakaraang taon.















