Libu-libong katao sa Washington, D.C. noong Sabado (Linggo sa Pilipinas) ang nag-kilos protesta para ipanawagan ang impeachment at pananagutan laban kay U.S. President Donald Trump.
‘We will no longer tolerate inaction or delay from elected officials as Donald Trump commits actual treason… We are demanding impeachment and removal, and we are demanding it NOW,’ ayon sa pahayag ng iba’t ibang grupo.
May tema ang rally na “Remove the Regime”, kung saan ginanap ang iba’t ibang aktibidad kabilang ang speeches, comedy acts, at live music performance mula sa bandang Dropkick Murphys at Earth to Eve.
Pagkatapos, nagmartsa ang mga demonstrador malapit sa isang Mall sa lungsod.
Kaugnay nito, isinagawa rin ang isang maliit na solidarity rallies sa Charlotte, North Carolina at Fairmont, West Virginia kasunod ng ”No Kings movement” noong nakaraang buwan na dinaluhan ng humigit-kumulang 7 milyong katao sa iba’t ibang lungsod sa bansa.
Nabatid na ang protesta ay kasabay ng masamang poll numbers ni Trump, na nagpapakita ng 14 hanggang 26 porsyentong disapproval rating, kasabay ng mga alalahanin ng publiko sa tumataas na presyo ng bilihin sa kabila ng trade war policies ng administrasyon.
















