-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Maaga pa lamang ay pinadalhan na ng “notice” ng Barangay Council ng Lagao ang management ng KCC Mall of GenSan.

Ayon kay Kagawad Jaime Tatad, nakasaad sa abiso na huwag buksan sa publiko ang nasabing mall ngayong araw at hindi rin papapasukin ang mga empleyado.

Ito aniya ay para sa gagawing disinfection matapos nagpositibo sa Coronavirus Disease (COVID) ang kanilang 20 empleyado.

Una rito, mahigit 150 empleyado ang isinailalim sa rapid testing matapos nagkaroon ng reactive result.

Karamihan sa kanila ay naka-assign sa wharehouse, wholesale, repacking at receiving.

Pinasiguro naman ng City Health na nasa isolation facility na lahat ang COVID positive na mga empleyado.