KORONADAL CITY – Ikinalungkot din ng mga kasapi ng National Peoples Coalition (NPC) sa Mindanao ang pagkamatay ng itinuturing na “political kingmaker” si Eduardo Cojuangco, Jr.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato former Governor at NPC provincial chairperson Daisy Avance-Fuentes, malaking kawalan partido ang pagkamatay ni Cojuangco dahil ito ang nagsisilbing simbolo ng pagkakaisa ng NPC.

Ayon kay Fuentes itinuturing niya rin na adviser si Cojuangco lalo na noong baguhan pa lamang siya sa pulitika.

Ibinahagi pa ng gobernador ang mga eksperiensiya nito kasama si Cojuangco sa hanay man ng pulitika, negosyo o sports.

Sa ngayon hiling niya ang kaginhawaan sa pamilya nito at ang pagpapaabot ng lungkot at simpatiya sa lahat ng nagmamahal kay Cojuangco.