-- Advertisements --
Magpapatuloy ang malalakas na buhos ng ulan sa malaking parte ng Mindanao at ilang bahagi ng Visayas ngayong araw dahil sa low pressure area (LPA).
Ayon sa Pagasa, maaaring bahain ang ilang lugar sa Caraga, habang may mga binaha na sa Davao region.
Huling namataan ang LPA sa layong 80 km sa timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Samantala, amihan pa rin ang nakakaapekto sa extreme Northern Luzon.