-- Advertisements --

Paglalaanan ng pinakamalaking bahagi ng 2023 budget ang sektor ng edukasyon, kalusugan, imprastruktura, at agrikultura ng bansa.

Pahayag ito ni Budget Secretary Amenah Pangandaman, kasunod ng binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa kaniyang State of the Nation Address (SONA) na magpapatupad ng realignment ang administrasyon sa expenditure priorities ng pamahalaan

Ayon sa kalihim, binabalangkas na nila ang pondong ito, at target nilang maisumite ito sa Kongreso sa ika-22 ng Agosto, upang maisabatas bago ang Christmas break.

Mananatili aniya ang edukasyon bilang top priority, alinsunod sa itinatakda ng batas, kabilang ang pagpapatuloy ng Build Build Build program ng Duterte administration na palalawigin pa aniya ng Marcos Administration.

Ayon pa sa opisyal, mananatili rin sa prayoridad ang health sector, lalo’t importanteng mapanatili ang kalusugan ng mga Pilipino at mapataas ang productivity ng lipunan.

Habang ang agrikultura naman ay susuportahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagmi-mechanise sa kaniyang proseso gamit ang makabagong teknolohiya, tungo sa pagkakaroon ng self sufficiency at self security, habang pinababa ang presyo ng mga pagkain sa bansa.