-- Advertisements --

zimay3

Humupa na ang malakas na ulan at hangin dulot ng “Bagyong Neneng” sa bahagi ng Aparri sa Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Aparri, operations chief Ms. Marjorie Ablao kaniyang sinabi na maayos na ang lagay ng panahon sa kanilang lugar ngayong umaga.

Aniya, kagabi nila naranasan ang malakas na ulan at hangin na tumagal hanggang kanilang madaling araw.

Sinabi ni Ablao na sa ngayon ongoing ang evacuation sa mga barangays na binaha sa kanilang lugar.

Kahapon, sinabi ni Ablao nagsagawa na rin sila ng pre-emptive evacuation sa Barangay Paddaya na kasalukuyang nanunuluyan sa mga itinalagang evacuation centers.

” Okay naman na po as of now, hindi naman na po malakas yung ulan ngayon. Meron po tayong mga evacuees and then may mga flooded areas na rin po tayo,” pahayag ni Ms. Marjorie Ablao.

Aniya, ngayong araw magsasagawa na rin sila ng forced evacuation sa Barangay Toran.

Samanatala, si PCpl May Ann Malazzab ng Aparri Police Station, Cagayan Police Provincial Office ang isa sa nanguna sa isinagawang force evacuation sa mismong lugar nila sa Sitio Zimay, Barangay Paddaya kasama ang MDRRMO-Aparri.

Dahil sa patuloy na pagtaas ng tubig sa kanilang lugar nabahala ito kaya pinilit na nitong palikasin ang kanyang mga ka-sitio.
Hinikayat niya silang lahat na lumikas sa kanilang bahay.