-- Advertisements --

Patuloy na binabantayan ng Pagasa ang isang malakas na bagyo na may international name na “Mindulle.”

Inaasahan kasing papasok ito bukas sa Philippine area of responsibility (PAR), kung saan bibigyan naman ng local name na “Lanie.”

Huling namataan ang bagyo sa layong 1,590 km sa silangan ng extreme NorthernLuzon.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 175 kph at may pagbugsong 215 kph.

Bagama’t maliit ang tyansa nitong mag-landfall sa Pilipinas, nagdadala naman ng ulan sa Southern Luzon at ilang bahagi ng Visayas ang naturang sama ng panahon.