-- Advertisements --
Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na sisikapin nitong bilisan ang isinasagawang performance evaluation sa mga miyembro ng gabinete at mga opisyal ng ibat ibang ahensiya.
Ito’y sa kabila ng pangamba ng ilan na posibleng maantala ang trabaho sa gobyerno dahil sa ipinatutupad na balasahan.
Dahil dito may mga panawagang madaliin na ang performance review.
Ayon naman kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na “alam ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang ginagawa.”
Una ng sinabi ni Sen. Ping Lacson na dapat matapos kaagad ang performance review dahil sinasabayan rin ito pagpapakalat ng white papers at pagpapalutang ng mga pangalan para sa mga posisyon.
Kadalasan kasi anyang hindi nakabubuti ang ganito at nagdudulot rin ng pagkakawatak-watak.