Tinawag na fake news ng Malakanyang ang kumakalat na memorandum na umano’y galing sa Office of the President na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin kung saan pinapatalsik umano sa pwesto si House Speaker Martin Romualdez.
Dahil umano sa bumababang rating ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr kailangan na palakasin pa ang ayuda ng gobyerno para sa mga kababayan natin.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro, hindi na dapat pagka-abalahan ang nasabing ulat dahil malinaw na mayruong nagpapakalat nito na layong siraan ang pamahalaan at ilang mga opsiyal.
Panawagan ni Castro huwag basta maniwala sa mga nakikitang mga dokumento lalo na sa social media dahil uso ngayon ang mga pekeng dokumento.
Ang pahayag ni Castro ay bunsod sa kumakalat na memorandum kaugnay post meeting report ng umano’y Laylo survey presentation nuong April 8,2025 kung saan dinaluhan umano ito ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at iba pang opisyal ng pamahalaan.