Rumesbak ang Malakanyang sa panibagong pasaring ni Vice President Sara Duterte na nagsabing matagal umanong umaksiyon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr laban sa maanomalyang flood control projects.
Pinaalalahanan ni Palace Press Officer USec. Claire Castro si VP Sara na si Pangulong Marcos mismo ang nanguna sa pagpapa imbestiga sa mga maanomalyang proyekto kaya ito ngayon nahahalukay.
Hindi aniya katulad noong nakaraang administrasyong Duterte na wala aniyang ginawang ganitong uri ng imbestigasyon sa harap ng mga insidente ng katiwalian.
Inihalimbawa ni castro ang aniya ay pinabayaan lamang na pamamayagpag ng kaibigan aniya ng dating administrasyong duterte sa isyu ng katiwalian sa overpriced na facemasks at medical equipment na kinasangkutan ng pharmally.
Ayon pa kay Castro, matagal ding naging kalihim ng DEPED VP duterte subalit ang iniwan nito aniya ay ghost students para sa mga voucher, mga natengga at nakatiwangwang lamang na gadgets at iba pa.
Sinabi ni Castro kung titingnan aniya, sino ba ang nagsasalita lang at walang aksyon, sino ang talagang nagta trabaho at sino ang madalas bumiyahe nang wala namang nairi report na benepisyo mula sa mga personal na biyaheng nito.
Ipinunto ni Castro na sa ilalim ng Marcos administration mayruong due process hindi katulad dati ng administrasyong Duterte ay walang due process, kundi patay agad ang mga indibidwal na nasasangkot.
















