Kinumpirma ng Palasyo ng Malakanyang na mayruon ng request ang Philippine government na Blue Notice sa Interpol para kay Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co.
Nakipag-ugnayan na ang Department of Justice sa International Criminal Police Organization (Interpol) para masubaybayan si Rep. Co.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na humiling ng blue notice ang DOJ para matunton ang kinaroroonan ni Co, na idinadawit sa anomalya sa flood control projects.
Sinabi ni Castro, hihintayin na lang ang tugon ng Interpol sa hiling na ito.
Nilinaw naman ng opisyal na ang blue notice ay hindi pag-aresto kundi pag-monitor lang kung san nagpupunta ang isang indibidwal na iniimbestigahan sa kasong kriminal.
Nagtungo naman si Justice Secretary Boying Remulla sa ICI para makipag ugnayan hinggil sa usapin sa kongresista.
Kung maalala, nagbigay ng deadline si House Speaker Bojie Dy III kay Rep.Co hanggang ngayong araw,September 29 para bumalik ng bansa.
Batay sa ulat, nagpuntang Spain at Singapore ang kongresista, kahit para sa pagpapagamot sa Amerika ang kanyang travel clearance.
Sumulat naman si Co kay Speaker Dy at sinabing siya ay nangangamba para sa kaniyang kaligtasan at ng kaniyang pamilya sa sandaling bumalik ito ng Pilipinas.