-- Advertisements --
Hinikayat ng Malacañang si Vice President Leni Robredo na mabuting tanggapin nito ang alok ni Pangulong Rodrigo Duterte na maging drug czar sa loob ng anim na buwan.
Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, isa itong hamon kay VP Robredo na patunayan ang kanyang galing lalo sa gitna ng kanyang pagpunang “failure” ang anti-drug war ng Duterte administration.
Ayon kay Sec. Panelo, gusto nilang makita kung may magagawa ito laban sa iligal na droga na sa tingin niya ay mas karapat-dapat kaysa ginagawa ni Pangulong Duterte.
Sa ngayon, wala pa raw sagot si VP Robredo sa hamong ito ni Pangulong Duterte matapos niyang sabihan kagabi sa pamamagitan ng text message.
















