-- Advertisements --

Dumistansya ang Malacañang sa usapin nang pagsusulong ng isang private group na nananawagang palitan ang sistema ng pamahalaan patungong revolutionary government.

Bagamat kinikilala ng Palasyo ang karapatan ng publiko na magbahagi ng kanilang opinyon, ay hindi naman ito ang focus ng administrasyon.

“The call to establish a revolutionary government came from a private group and the organizers are free to publicly express their opinion.”

“The focus, however, of the Administration is addressing COVID-19 and mitigating its socioeconomic impact.”

Una nang aminin ni Philippine National Police chief Gen. Archie Gamboa na nakatanggap siya ng imbitasyon para sa pulong ng “Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC).”

Pero hindi pa umano niya nakikita ng personal ang kopya ng imbitasyon.

“It’s supposed to be set yesterday but I am still trying to search for the communication kasi personally hindi pa umabot sa akin,” ani Gamboa.

Ayon kay Sec. Roque, kung mayroon mang una sa mga prayoridad ni Pangulong Duterte ngayon, ito ay ang pagbubukas ng ekonomiya at pagsisigurong ligtas ang publiko.

“The most pressing and most urgent concern, which requires the Executive’s full attention, is the gradual opening of the economy while safeguarding the people who are working/going back to work amid the pandemic.”

Kung maaalala, isa ang revoluntionary government sa mga target ni Duterte na gawin nang tumakbo siya bilang presidente noong 2016.