-- Advertisements --
Magpapamigay ang Makati City government ng libreng anti-dengue kit sa mga paaralan.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay na ang mga magulang ng 47,212 na public elementary students ay maaari ng makuha nila ang kanilang anti-dengue kit.
Bawat kit ay naglalaman ng 250 ml ng mosquito repellent lotion at wrist band na mayroong apat na citronella capsule na bawat isa kay kayang tumagal ng tatlong buwan.
Ang nasabing hakbang ay para malabanan ang pagdami ng kaso ng dengue sa lungsod.
Base kasi sa record ng Makati City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na mayroong 334 dengue cases ang lungsod mula Enero 1 hanggang Agost 15.