-- Advertisements --
Maglalagay ang Makati City government ng mga solar panels sa mga pampublikong paaralan at mga opisina ng gobyerno.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, ang hakbang ay para makatipid ang gobyerno sa konsumo ng kuryente ganundin ang pagkakaroon ng malinis at sustainable na komunidad.
Nais ng alkalde na sila ang maging una sa paggamit ng mga renewable energy na gagamitin sa mga paaralan at mga opisina.
Sisimulan ang paglalagay sa Comembo Elementary.
Mayroong 25 mga elementary schools, 10 junior high schools at walong senior high schools ang makakabenepisyo sa nasabing paggamit ng mga solar panels.
Magiging mahalaga ito tuwing panahon ng tag-araw dahil sa mababa ang suplay ng kuryente.