-- Advertisements --
Pumapalo na sa 7,190 ang bilang ng aftershocks mula sa 6.9 na lindol na naranasan sa Bogo City, Cebu.
Matatandaang malawak ang naabot ng mga lugar ng naturang main quake.
Sa nasabing bilang, umaabot sa 1,397 ang plotted o na-detect ng dalawa o higit pang pasilidad ng ahensya.
Nasa 31 naman ang actual na naramdaman ng mga residente sa mga nakalipas na araw at oras.
Ang lakas ng mga lindol ay mula 1.0 hanggang 5.1 magnitude, batay sa monitoring ng Phivolcs.
Patuloy na pinag-iingat ang publiko sa posibleng epekto ng aftershocks, lalo na sa mga gusaling dati nang may mga natukoy na bitak.