-- Advertisements --
Tinalo ng Golden State Warriors ang Los Angeles Lakers sa score na 111-103 sa kanilang unang paghaharap ngayong NBA 2025-26 season.
Agad na uminit ang kamay ni Warrior star Stephen Curry sa First Quarter kung saan nakapagtala agad ito ng 11 puntos, dahilan para maipasok ang momentum ng kaniyang team.
Dikit pa ang laro pagkatapos ng first half ngunit lumobo na ang kalamangan ng GSW sa 3rd Quarter na umabot ng 20 points. Tuluyan itong sinelyuhan ng panalo gamit ang magandang depensa.
Samantala hindi pa rin nakapaglaro ang dalawang star player ng Lakers na sina Lebron James at Luka Doncic.
Muling magkakaharap ang dalawang team sa October 13 kung saan inaabangan ng fans ang Lebron-Curry rivalry na nagsimula pa taong 2016.