Maine Mendoza
Maine Mendoza/ IG post

Nakalikom ng mahigit kalahating milyong peso si Maine Mendoza sa fund raising drive nito para sa mga daily wage earners na naaapektuhan ng lockdown sa bansa.

Mayroong P587,677.62 ang kabuuang nalikom ng TV host/actress na nagsimula noong nakaraang linggo.

Kabilang sa mga tutulungan ng actress ay mga tricycle, jeep at bus drivers ganun din ang mga street vendors, construction workers, janitors, service crews at marami pang iba.

Labis naman ang pasasalamat ng actress sa mga kaibigan nito sa showbiz na tumulong sa nasabing proyekto.