-- Advertisements --

Ipinasa ng Hong Kong ang panibagong security Law.

Ang nasabing package law ay tinawag na Article 23 kung saan may mabigat na kaparusahan gaya ng pagkakakulong ng habambuhay ang sinumang napatunayang manabotahe, mag-ispiya at treason.

Matapos ang ilang buwang konsultasyon sa publiko ay unang ipinasa ito ng 90-seat council kasama ng pro-Beijing loyalist.

Bumuto ang lahat ng 88 na mambabatas at legislative council president para maipasa ang batas.