LEGAZPI CITY – Naging matagumpay ang operasyon na isinagawa ng grupong Bantay Karne matapos makumpiska ang nasa 143 kilo ng hot meat sa Legazpi City public market at Albay Public Market.
Ayon sa namumuno ng grupo na si Bong Samar sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, katumbas ng mahigit sa P30,000 ang halaga ng nakumpiskang hot meat.
Natuklasan rin na hinahalo ng ilang nagtitinda ang hot meat sa mga karneng dumaan sa tamang proseso para mabilis na maipagbili sa publiko.
Maging ang mga karneng baboy na dumaan sa slaughterhouse ay kinumpiska rin dahil kontaminado na aniya ito.
Kaugnay ng matagumpay na operasyon ngayong papalapit na holiday season, nagpasalamat si Samar sa publiko na patuloy na nagpapaabot ng impormasyon at hindi kinukunsinti ang mga iligal na gawain.