Inatasan ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang Manila Electric Co. (Meralco) na i-refund ang bilyon-bilyong “over recoveries” sa loob sa loob ng 12 buwan o isang taon, simula ngayong Mayo.
Ayon sa ERC, dapat na ibigay ng Meralco ang nasa mahigit P7.75 billion na refund sa mga residential consumer nito.
Papalo kasi sa 46.69 centavos ang halaga ng kada kilowatt hour (kWh) ng kuryente na may katumbas n P93 refund sa bawat customer na kumukonsumo ng 200 kWh na kuryente.
Sinabi ni ERC Commissioner at spokesperson Rexie Digal na ang naturang kautusan ay bunsod ng re-computation na isinagawa ng ERC sa mga regulatory asset ng Meralco base mula 2012 hanggang 2015 kung kailan nagkaroon umano ng over-recoveries ang nasabing kumpanya.
Samantala, kinumpirma naman ito ni Meralco spokesperson Joe Zaldarriaga at ipinaliwanag na makikita sa bukod na line item ng mga power bills simula buwan ngayong buwan ng Mayo.