-- Advertisements --

NAGA CITY-Nakumpiska ang lampas kalahating milyong halaga ng ilegal na droga sa Daet, Camarines Norte.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas Linda, 56 anyos, residente ng Happy Homes Fairview III, Purok-6, Barangay Magang, Daet, Camarines Norte, at si alyas Rosa, 55 anyos, residente ng Purok-2, Barangay Mangcamagong, Basud, ng kaparehong probinsya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa PNP-Police Regional Office-5 inaresto aniya ang mga suspek pagkatapos ang isang buy-bust operation kung saan nakuha sa mga ito ang pinaniniwalaang ilegal na droga na may bigat na humigit-kumulang 115 grams, at nagkakahalaga ng ₱782,000.

Sa ngayon, nasa ilalim na ng kustodiya ng mga awtoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.