-- Advertisements --

Mahigit dalawang bilyong pisong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang magkahiwalay nakumpiska ng mga kapulisan sa bayan ng Pozorrubio, Pangasinan at San Fernando, La Union.

Apat na katao ang unang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang bahay sa Pozorrubio.

Kabilang sa naaresto ang isang Chinese national matapos nito ay sinunod na nilusob ang pinaniniwalaang safe house ng mga suspek sa lalawigan ng La Union.

drugs shabu

Inilalagay umano ng mga suspek sa isang tea bag ang mga droga na may bigat na 40 kilos.

Narekober naman ng mga otoridad ang P5 milyon na marked money at ibang mga kagamitang gaya ng walkie talkie, pulling system na gamit sa paghatak ng mga kemikal mula sa dagat.

Sinabi naman ni PDEA Deputy Director General Greg Pimentel, na malawak umano ang operasyon ng grupo mula Region 1, Region 3, 4 at Central Visayas.

Aabot umano ng tatlong buwan nilang plinano bago maisakatuparan ang operasyon.

Malaki naman ang paniniwala ni PDEA Director General Wilkins Villanueva na isa ang kanilang mga naaresto na mga source ng iligal na droga na nagpapakalat sa buong bansa.