Nasa mahigit P1-milyon halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang lalaki sa lungsod ng Caloocan.

Pawang taga-Barangay 188 Tala, Caloocan ang mga naarestong suspek na kinilalang sina alyas “Mike” at alyas “Angelo”.

Nakuha sa mga suspek ang limang sachet ng shabu na nagkakahalaga na aabot sa P1.3 million.

Inihahanda na ng mga kapulisan kaso laban sa mga naarestong suspek.