CAUAYAN CITY- Umaabot na sa 856 katao ang sumailalim sa saliva tes sa tanggapan ng Philippine Red Cross o PRC Isabela.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Molecular Laboratory Supervisor Eunich Lasquero ng PRC Isabela Chapter sinabi niya na sa ngayon ay wala silang naitatalang back log dahil na-maintain nila ang paglalabas ng resulta sa loob ng 24 to 28 hours.
Sa loob ng isang araw ay nakakapag accommodate sila ng mga walk-in clients gayunman kailangan nilang makabuo ng 90 sample bago makapag- simula ng testing.
Bukas ang PRC Isabela sa walk-in clients subalit maaari rin silang magsagawa ng saliva testing sa mga LGU kung saan mismong mga kawani ng PRC Isabela ang magtutungo sa sa LGU para kumuha ng samples.
Ang pagkuha sa saliva sample by appointment at tinatanong ang mga kliyente kung saan nila gagamitin ang kanilang saliva test.
Inihalimbawa ni Lasquero ang mga saliva test na gagamitin sa pagbiyahe sa labas ng lalawigan kung saan ang pagkuha ng sample ay naka depende kung kailangang aalis o bibiyahe ang kliyente.
Para sa mga gustong mag RT-PCR o Saliva test mahigpit na ipinagbabawal ang pag-inom ng tubig, pag-mumog, pag kain at paninigarilyo o pagmomma sa loob ng tatlumpong minuto bago kunan ng samples.
Samantala, wala pa ring bumabalik na resulta mula sa Philippine Genome Center ang mga ipinadalang samples ng PRC Isabela may kauganyan sa pagtukoy kung nakapasok na nga ba ang UK variant ng COVID 19 sa lalawigan.
Sa pinakahuling upadate mula sa Regional Epidemiology and surveillance Unit wala pang lumalabas na resulta at maaaring nakahanay pa ang samples na mula sa PRC Isabela.
Patuloy namang naghihintay ang PRC Isabela sa ibabang direktiba ng Department of Health (DOH) kung magpapadala ba sila ng panibagong batch ng sample na isasailalim sa sequencing matapos maipabalita ang pagpasok sa bansa ng African variant ng COVID-19 virus.