ILOILO CITY- Mahigit sa 700 mga evacuees ang nananatili ngayon sa dalawang evacuation centers matapos nawalan ng tirahan sa nangyaring sunog sa lungsod ng Iloilo.
Naganap ang sunog sa magkakatabing Brgy ng West Habog-habog at San Juan.
Ginawang evacuation ang Baluarte Elementary School para sa mga biktima ng sunog sa Brgy. West Habog-Habog na nasa 123 pamilya o 515 na mga indibidwal.
Nasa 21 na mga silid-aralan ang ginamit.
Ang San Juan Elem. School naman ay ginawang evacuation center para sa 95 pamilya o 318 na indibidwal na nawalan ng tirahan sa Brgy. San Juan.
Aabot naman sa 13 na silid-aralan naman ang ginamit para sa mga evacuees.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Teresa Gelogo, pinuno ng City Social Welfare and Development Office, sinabi nito na nagbigay na ng relief goods kagaya ng food item at mga non- food items katulad ng mga higaan.
Ayon kay Gelogo, mayroon ding community kitchen sa bawat evacuation center.