Patuloy ang paghaba ng pila ng mga taong nais na masilayan sa huling sandali ang bangkay ng pumanaw na si dating Pope Benedict XVI.
Nagsimulang buksan sa publiko ang pila dakong alas-3 ng madaling araw ng Martes oras sa Pilipinas sa Monastery chapel ng Basilica sa Roma.
Nagsagawa muna ng pribadong ceremony ang Vatican na pinangunahan ni Cardinal Mauro Gambetti ang Archpriest ng St. Peter’s bago buksan ang public viewing.
Sa pagtaya ng mga kapulisan sa Roma ay aabot sa mahigit 65,000 katao ang pumila para personal na masilayan ang dating Santo Papa.
Gaganapin ang libing ng dating Santo Papa dakong 4:30 ng hapon ng Biyernes oras sa Pilipinas.
Pangungunahan ni Pope Francis ang Requiem Mass sa St. Peter’s Square kung saan siya ang magiging unang Santo Papa na magsasagawa ng funeral service sa pinalitan nito sa posisyon.
Ihihimlay ang bangkay ng dating Santo Papa sa Grottoes sa pagitan ng Basilica kung saan doon nakalibing si St. John Paul II bago ang kaniyang beatification.
Gaya na rin ng hiling ni Pope Benedict XVI na nais niyang maging simple ang libing nito.